Ginulat ng NLEX ang San Miguel Beer sa kanilang laro na nagtapos sa 114-102 sa 2021 PBA Governors’ Cup sa Ynares Sports Arena nitong Miyerkules, kagabi.
Nanguna ang import na si KJ McDaniels sa Roadwarriors sa pamamagitan ng 27 points, 11 rebounds, 6 assists at 2 steals.
Kinailangan ng NLEX habulin ang 10-point deficit nito hanggang sa tuluyan na nilang nabago ang takbo ng laro laban sa Beermen, na bumagsak sa 0-1 sa umpisa ng conference.
Pinangunahan ni Brandon Brown ang malakas na simula ng Beermen sa pamamagitan ng kaniyang 27 points sa first half.
Nagtapos si Brown na may 36 points matapos itong malimitahan sa siyam na puntos sa second half.
Inihayag naman ni NLEX Coach Yeng Guiao na naging maswerte sila dahil nakalaro nila ang Beermen habang nag-aadjust ito mula sa pagkawala ng ilan nilang key players gaya nina Arwind Santos at Alex Cabagnot.
