COVID-19 death toll ng Germany, nadagdagan ng 527 sa loob ng 1 araw

Naitala ng Germany nitong Miyerkules ang pinakamaraming bilang ng nasawi mula sa COVID-19 sa loob ng isang araw mula noong Pebrero.

Sinabi ng German Robert Koch Institute for disease control na umabot sa 69,601 ang mga bagong kaso ng bansa, na 2,415 na mas marami kung ikukumpara noong nakaraang linggo.

Mula sa nasabing bilang ay umabot sa 527 ang nasawi, na pinakamarami mula noong February 12.

Dahil diyan ay pumalo na ang death toll ng Germany sa 104,047.

Mababatid na nagdesisyon ang bansa na pagbawalan ang mga unvaccinated na indibidwal na magkaroon ng access sa maraming establishimyento maliban sa mga essential businesses tulad ng grocery stores, pharmacies, at bakeries.