Inanunsiyo ng NLEX Road Warriors ang bago nilang head coach sa katauhan ni veteran mentor Jong Uichico.
Papalitan ni Uichico si Frankie Lim matapos ang apat na conferences at dalawang playoff appearances.
Bitbit ng beteranong coach ang siyam na PBA titles sa kanyang pangalan.
Sa official statement ng NLEX pinasalamatan nito si Lim sa kanyang didikasyon at kontribusyon sa koponan.
Kabilang sa mga player na hahawakan ni Uichico ay sina Robert Bolick, Baser Amer, Michael Miranda, Enoch Valdez, at Sean Anthony.