Matapos tayong dumako sa Vietnam kahapon para sa laban ni Nikki de Moura sa Miss Grand International, punta naman tayong Japan.
Sa kakatapos lang na Miss International pageant sa Yoyogi Gymnasium, hinirang na third-runner up ang representative ng Pilipinas na si Nicole Borromeo.
Bigong masungkit ni Borromeo ang ika-7 korona ng Pilipinas sa Miss International, na matatandaang nakuha nina Kylie Verzosa (2016), Bea Rose Santiago (2013), Precious Lara Quigaman (2005), Melanie Marquez (1979), Aurora Pijuan (1970), at Gemma Cruz (1964).
Samantala, si Andrea Rubio ng Venezuela naman ang nakakuha ng titulong Miss International 2023, na nagsilbing ika-8 na nilang korona mula sa nasabing pageant.
