Pinabulaanan ni National Intelligence Coordinating Agency Director General Ricardo De Leon ang paratang ni Sen. Bato dela Rosa na pine-pressure niya at ni Speaker Martin Romualdez at iba pang personalidad ang ilang opisyal ng Philippine National Police na tumestigo sa ICC laban sa senador kaugnay ng war on drugs.
Sa isang pahayag sinabi ni de Leon, na sa katunayan,sinamahan niya si Area Police Command – Northern Luzon Chief, MGen. Romeo Caramat Jr. para humingi ng tulong sa House Speaker para maupo bilang susunod na PNP Chief.
Kapalit umano nito ayon kay De Leon ang mga impormasyong hawak ni Caramat patungkol sa extrajudicial killings at drug war, kabilang ang mga listahan ng mga papatayin, lingguhang quota at proseso ng bayaran sa top PNP post.
Gayunman, sinabi ni De Leon na tinanggihan ni Speaker Romualdez ang alok ni Caramat at pinagsabihan ito na ang pagtatalaga ng PNP Chief ay solong kapangyarihan lamang ng Pangulo ng bansa.
Itinanggi rin ng opisyal na na kinausap niya sina dating PNP Chief Oscar Albayalde at PDEG Director BGen. Eleazar Matta
Ito’y para tumestigo sa ICC.