Pinasalamatan ng Magnificent 7 si Pangulong Bongbong Marcos sa naging desisyon nitong ituloy ang Public Transport Modernization Program (PTMP).
Ito ay kasunod ng sinabi ni Pangulong Marcos na dapat dinggin ang 80% na nag-consolidate sa naturang programa.
Paglalarawan nga rito ni Magnificent 7 Spokesperson at PASANG MASDA Pres. Ka- Obet Martin, tila nabunutan sila ng tinik sa naging pahayag ng presidente na nagpapakita ng patuloy nitong suporta sa mayorya ng transport sector.
Maliban sa pangulo, nagpahayag din ng pasasalamat ang Magnificent 7 kay Transportation Sec. Jaime Bautista at sa libo-libong indibidwal na nakiisa sa ikinasang Unity Walk.
Sa huli, ipinanawagan ng grupo ang pagkakaroon ng Nationwide Public Consultation sa kanilang hanay upang matalakay ang resolusyon sa Senado.