Naglaan ng P20 million ang Department of Labor and Employment (DOLE) para tulungan ang mga apektadong residente ng oil spill sa CALABARZON.
Ayon kay DOLE-CALABARZON Regional Director Atty. Roy Burnafe, nasa mahigit 1,000 apektado na sa Cavite ang kanilang nabigyan ng tulong.
Tiniyak naman ng DOLE na bibilisan nila ang aksyon para agarang maipaabot ang tulong sa mga apektadong residente.