Nilinaw ng National Irrigation Administration (NIA) Sorsogon ang isyu hinggil sa diumano’y palpak na canal lining project sa Barangay Pamurayan Sorsogon City.
Sa panayam ng Brigada News kay NIA Sorsogon Engineering and Operation Section head Engineer Sherwin Royce Nupre, sinabi nito na ang nasabing proyekto ay ginawa taong 1995 pa at hindi taong 2021 gaya umano ng binabanggit sa sulat ni Pamurayan Barangay Kagawad Jane Jeresano.
Dagdag pa nito, kung wala man umano itong bakal ay dahil ang nasabing proyekto ay trapezoidal canal na siya umanong disenyong ginagamit noon, hindi umano katulad ngayon na rectangular canal na ang kanilang ginagawa.
Gayunpaman, sinabi ni Nupre na nakabase umano ito sa standard ng ahensya pagdating sa kanilang mga canal project lalo na sa mga luma o matatagal nang proyekto.
Mababatid na ang nasabing canal na inirereklamo ang pagkakagawa ay bahagi ng Cawayan Communal Irrigation System.
