City LGBTQ+ association, nais na matanggap sila ng buong-buo

Mabigyan ng karapatan na matanggap sila ng buong buo, ito ang pangunahing nais ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender and Queer (LGBTQ)+ Association sa lungsod ng Sorsogon.

Sa pahayag sa Brigada News ni Sorsogon City LGBTQ+ Association President Adel Bonabon, sinabi nito na sa kabila kasi na umunlad na ang kanilang sektor at marami na ring mga kabilang sa LGBTQ+ ang nagpamalas ng galing at husay sa kani-kanilang mga napiling larangan ay hindi pa rin talaga sila buong buo na natatanggap ng lipunan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon dito nakakalungkot umano ang katotohanan na sila ay tinotolerate lamang ng publiko dahil mayroon silang naiaambag sa sosyudad  at hindi dahil sila ay tanggap na; at kung hindi pa man umano ito mangyari, hiling na lamang ni Bonabon na ibigay sa kanila kahit ang mga basic rights na lamang tulad ng pagkakaroon ng sarili nilang comfort room upang kahit papaano ay maging komportable sila sa paggamit nito.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal