NFA, naging malamig din sa mungkahing ibalik ang price cap sa bigas

Maging ang National Food Authority (NFA) ay hindi rin ikino-consider ang mungkahi ng SINAG na pagbabalik ng price ceiling sa bigas.

Ayon kay NFA adminstrator Roderico Bioco – wala pa raw silang nakikitang dahilan para ibalik ang price cap sa mga pamilihan.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Aniya, sa latest monitoring nila ay naglalaro pa rin naman sa P24 hanggang P26 ang kada kilo ng bigas.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Kung maaalala – una nang sinabi ng SINAG na baka magmahal ulit ang presyo ng bigas sa merkado dahil patapos na ang harvest season.