DILG, pinaalalahanan ang mga BSK candidates na hindi sila maipoprokloma kung lumabag sila sa batas

Tuluy-tuloy ang paalala ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na sumunod lang sa batas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Interior Sec. Benhur Abalos na kahit na manalo’t maiproklama na ang mga barangay officials, hindi magaatubili ang Commission on Elections (COMELEC) na ibasura ang kanilang kandidatura lalo na kung mapatutunayang mayroon silang mga ginawang paglabag sa election code.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances
Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Nangako ang Kalihim na pananatilihin ng Gobyerno ang integridad ng halalan at hindi mailuloklok ang mga opisyales na hindi karapat-dapat sa puwesto.