NFA Camarines Sur, bumibili na sa mas mataas na presyo ng palay

NAGA CITY-  Nagsimula nang bumili sa mas mataas na presyo ng palay ang National Food Authority o NFA Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni BM Jeffrey Gamboa Baluyot. Ayon kay baluyot  PhP 23.00 per kilogram ang bili sa CLEAN and DRY PALAY  habang PhP 16.00 hanggang  PhP 19.00 per kilogram for WET PALAY depende sa Moisture Content.

Mababatid na sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na tinaasan na ng  National Food Authority (NFA) Council ang buying prices sa palay upang madagdagan ang kita ng mga magsasaka.

Pero ayon kay Mariano Zalde ng Gainza  parehong lalawigan , bilang maliit na magsasaka ayos na sa kaniya na sa bayan lamang ibenta ang palay kahit na mas mababa sa bagong buying price ng NFA, hindi na kase gagastos sa transportasyon patungo sa Capital Town Pili kung saan naroroon ang opisina ng ahensya.  Binigyan diin ni Baluyot na ang ganitong sitwasyon ang gusto nilang mabago kaya makikipag-ugnayan sila sa mga Municipal Agriculture Office sa schedule ng isahang pag-pick up ng NFA o di kaya maari namang tumawag sa 0921-667-4060 sa  hauling assistance, NFA ang mag pipick up ng kanilang ani.

Sa ganitong pamamaraan aniya matutulungan din ang NFA sa buffer stock.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *