Nasa ilalim ngayon ng self-isolation si New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern matapos itong maka-close contact ang isang positibo sa COVID-19.
Ayon sa report, nangyari ang exposure sa flight ni Arden mula Kerikeri patungong Auckland kung saan kasama din sa flight sina Governor-General Dame Cindy Kiro at mga staff nito.
Ang isolation ni Arden ay isang linggo matapos ang pagkansela nito sa kanyang kasal dahil sa surge ng Omicron cases sa sa kanilang bansa.
Matatandaan na unang inanunsyo ng New Zealand na iuurong nito ang nakatakda sanang pagbubukas nito ng border sa katapusan ng Pebrero dahil sa Omicron variant surge.
Aminado naman ang mga opisyal na maraming madidismaya dahil sa mga holiday plans pero mas mabuti na aniyang ilatag nila ito nang mas maaga para magkaroon ng sapat na panahon ang mga ito na ikonsidera at baguhin ang kanilang plano.
Sa kabuuan ay mayroong 16,288 COVID-19 cases ang New Zealand kung saan 52 dito ang naitalang “death”.