Beijing naitala ang pinakamataas na COVID-19 cases sa loob ng 18-buwan, 5-araw bago ang Winter Olympics

Naitala ng Beijing ang pinakamataas nitong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na labing-walong buwan, limang araw na lang bago ang pagsisimula ng Winter Olympics.

Matapos maitala ang mahigit sa 20 kaso sa capital city, ilang local areas ang nag-locked down habang isinagawa ang mass testing sa mga residente.

Maliban dito, kinumpirma ng mga Olympic organizers na 34 na bagong infections ang naitala sa kanilang bubble.

Kabilang dito ang 13 atleta at iba ay mga dumadating na opisyal sa paliparan Kaugnay nito, nilinaw ng mga organizers na papayagan lamang na maglaro ang mga atleta kapag makakuha ng dalawang negative results ang mga ito sa loob ng 24 oras.

Naging patakaran din ng mga Olympic organizers na dapat ay magtungo sa China ang mga atleta at mga opisyal sa pamamagitan ng chartered flight at mananatili sa kanilang bubble hanggang sa matapos ang palaro at kanilang pag-uwi.

Ang lahat ay pinapayuhan din na kailangang clear sa COVID-19 test bago at pagdating nila sa China at dapat sumunod sa mga health protocol gaya ng pagbabawal na mamasyal at dapat magsuot ng facemask sa lahat ng pagkakataon