Nag-resign sa puwesto si New York Governor Andrew Cuomo matapos ang inquiry kung saan napatunayang sangkot ito sa pangha-harass sa maraming kababaihan.
Sinabi ni Cuomo na ang pinakamaganda niyang puwedeng gawin sa ngayon ay ang bumaba sa puwesto kung saan magiging epektibo ang kanyang resignation pagkatapos ng 14 na araw.
Kabilang sa mga alegasyon kay Cuomi ang pagbibigay nito ng sexual comments, panghihipo at paghalik sa ilang kababaihan nang walang permiso.
Kaugnay nito ay magiging kauna-unahang babae na magiging Chief Executive ng New York si Lt. Governor Kathy Honchul.
Matatandaan na ilang buwan na ding nahaharap si Cuomo sa pressure mula sa kanyang mg kapwa Democrats kabilang na si US President Joe Biden
Si Cuomo ang ikatlong New York Governor na umalis ng katungkulan dahil sa eskandalo.
