Kinumpirma ng Food and Drug Administration na nag-apply na ang Russian vaccine maker Gamaleya para sa emergency use ng kanilang single-dose COVID-19 vaccine sa Pilipinas.
Pagbubunyag ni FDA Director General Eric Domingo, ang Sputnik Light, ay ang single-dose na Sputnik na nag-apply na rin ng EUA sa bansa at pinagaaralan na rin ng mga vaccine experts.
Matatandaan na inanunsyo ng Russian Direct Investment Fund noong Mayo na ang Sputnik Light ay otorisado nang gamitin sa bansa.
Ang coronavirus shot ay batay sa human adenoviral vector platform at may storage requirement na dalawang hanggang walong degrees Celsius, at batay sa RDIF ito ay mayroong 79.4% efficacy.
Ayon sa FDIF, ang Sputnik Light ay napatunayang epektibo rin laban sa lahat ng strains ng coronavirus, sa ginawang laboratory tests ng Gamaleya Center. // MHEL PACIA-TRINIDAD
