Albay Gov. Rosal, hindi na pinapayagan ang quarry operations sa gabi

LEGAZPI CITY – Hindi na muna papayagan ng Gobernador sa Albay ang pagquaquarry sa gabi upang hindi na makagambala sa mga tao Ayon sa bagong upong Gobernador Noel Rosal, marami ang nagrereklamo tungkol umano sa pagquarry sa gabi kung saan hindi makatulog ang ilang mga residente na apektado sa quarry.

Dahil dito nakakaisturbo umano sa kabahayan ang ginagawa sa pagquaquarry sa mga barangay na apektado kung kayat pansamantala muna ititigil ang aktibidad.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa ngayon bantay sarado ng mga awtoridad ang quarrying sa lalawigan matapos malagdaan ng Gobernador ang Executive Order (EO) No.002.

Dagdag pa nito, susuriin ang lahat ng environmental compliance certificates (ECCs), kabilang ang location clearances gayundin ang status clearance, business permits, at ang certification mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang matiyak na ang mga quarry operator ay sumusunod sa isang kilometrong distansya mula sa anumang imprastraktura ng pamahalaan.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Maliban pa rito gagawa ito ng provincial mining regulatory board ayon sa iniaatas ng batas na bubuuin ng mga kinatawan mula sa Mines and Geo Science Bureau (MGB), accredited non-government organizations (NGOs), at gayundin sa mga large and scale mining group. Sinabi ng opisyal, ang mga 10-wheeler truck lamang ang kakargahan ng mga aggregates o quarry materials at hahatiin ang mga ruta ng trak upang maiwasan ang pagkasira ng mga ito.