Negosyante, arestado sa ikinasang buy-bust ops sa Ramon, Isabela

Arestado ang isang negosyante matapos umanong magbenta ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. San Antonio, Ramon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa PDEA Region 2, kinilala ang suspek na si Ernesto Flores Jr., 32-anyos, may asawa at residente ng Planas, Ramon, Isabela.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Isinagawa ang naturang operasyon ng magkasanib-pwersa ng  PDEA RO II RSET,  PDEA Quirino PO, PDEU,  RDEU at PNP Ramon kung saan positibo umanong nabili ng nagpanggap na buyer kay Flores ang dalawang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu. 

Nakumpiska rin sa suspek ang 5 na piraso ng 1,000 peso bill, cellphone at motorsiklo.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ayon sa PDEA, napag-alaman na kabilang si Flores sa Target Listed Drug Personality sa bayan ng Ramon.

Sa  ngayon ay nasa pangangalaga na ng Ramon Police Station ang suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kaniya.