LEGAZPI-Muling pinaalalahanan ng Civil Service Commision Regional Office V sa mga magsasailalim sa Career Service Examination, Paper and Pen test sa darating na linggo, Agosto 7 sa mga dapat dalhin sa kani-kanilang designated examination area.
Sa anunsyo ng tanggapan, kailangan ng mga ito na magpresenta ng vaccination card na patunay na bakunado na kontra covid-19.
Kung wala umanong bakuna kontra sa nakakahawang sakit, kailangan magpresenta ng negative result ng RT-PCR test o antigen test.
Paglilinaw ng CSC Bicol, bilang pag iingat pa sa virus, kailangan magsuot ng facemask sa testing centers sa centers sa Legazpi, Catanduanes, Camarines Norte, Masbate, Camarines Sur at Sorsogon.
Samantalang kasama sa mga isasailalim sa eksaminasyon ang intermediate competency on local treasury.