Pilipinas hindi pa kailangan maghanda para sa giyera – NSC

Hindi kailangan ng Pilipinas na maghanda para sa giyera sa alinmang mga dayuhang bansa.

Ito ang binigyang-diin ni National Security Council Deputy Director General Michael Eric Castillo kasabay ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at China.

Ang dapat paghandaan sa ngayon ayon kay Castillo ay ang mga contingency measures sa banta na na posibleng maipit ang Pilipinas sa crossfire sa pagitan ng mga naglalabanang bansa.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Paliwanag ng national security official may mga flashpoint ng sigalot sa rehiyon kung saan malapit ang Pilipinas katulad ng Senkaku (Islands) sa Japan, isyu sa North Korea, hidwaan ng Taiwan at China at mayroon ding isyu sa West Philippine sea.”

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Inihayag ni Castillo na ang kamakailang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan ay “isa sa mga posibleng contingencies na kailangan paghandaan ng bansa.