Security guard patay sa saksak sa Puerto Princesa

Patay matapos saksakin ang isang security guard sa kahabaan ng Rizal Avenue sa Brgy. Mangahan sa Puerto Princesa.

Kinilala ang biktima na si Jessie Mampay 43 anyos residente ng Abanico road sa Brgy. San Pedro, Puerto Princesa.

Tinatayang naganap ang insidente ganap na alas-dose ng umaga ngayong Martes.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon sa kawani ng Anti-Crime Task Force na si Rene Mozo ay dalawa ngayon ang suspek sa pananaksak sa biktima.

Nagtamo si Mampay ng mga saksak sa katawan sa patalim na ginamit ng suspek na ngayon ay patuloy na pinaghahanap.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa inisyal na pagsisiyasat, bago mangyari ang krimen ay sinita umano ng biktima ang dalawang lalaking suspek matapos nitong kalampagin ang sasakyan na pagmamay-ari ng establisyementong binabantayan ng biktima.

Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang krimen.