Nilinaw ng Commission on Elections na hindi na mandatory ang negatibong resulta ng Reverse transcription polymerase chain reaction (RT- PCR) o Antigen test sa paghahain ng Certificate of Candidacy sa mga aspirante para sa lokal na posisyon.
Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes ng Comelec Speaker’s Bureau, ang required lang na sumailalim sa RT- PCR at Antigen test ay ang mga tumatakbo sa national position.
Pero maaari rin naman umano itong gawin ng mga tumatakbo sa lokal na posisyon bago maghain ng COC kung kanilang nanaisin.
Ang bagay na ito ay napag- usapan na sa mga deliberasyon ng komisyon.


Hindi umano gagawing requirement ang submission ng mga nabanggit na test dahil mayroon nang desisyon ang Supreme Court na hindi maaaring mag- impose ng karagdagang requirements sa filing ng COC maliban sa isinasaad ng batas.
Gayunman mayroong nakasaad sa Comelec resolution na hindi muna papayagang pumasok ang maghahain ng COC kung nasa 37. 5C o higit pa ang body temperature nito.
Pagpapahingahin muna ito ng limang minuto bago muling isalang sa temperature screening.
Kung hindi pa rin magbabago ay hindi ito papayagang pumasok sa venue at iendorso sa local health officer alinsunod sa umiiral na panuntunan.
Samantala, sa unang araw ng paghahain ng COC kahapon ay wala pang mga kilalang personalidad sa lalawigan ng nag- file maliban sa ilang mga municipal aspirant.
