Inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na bumababa ang vaccination numbers sa bansa.
Dahil diyan ay umaasa si Galvez na nasa lima hanggang anim na milyon na COVID-19 vaccine doses na lamang ang maituturok ngayong Marso.
Ipinunto ni Galvez na noong maagang bahagi ng pandemya ay nagkaroon ng supply issue ang Pilipinas.
Pero ngayon ay ipinunto ng kalihim na nagsisimula nang magkaroon ng “demand issue” ang Pilipinas dahil sa pagganda ng kalagayan nito.
Ibig sabihin aniya ay mas dumarami ang nagkakaroon ng “complacency” sa pagpapabakuna.
Na-obserbahan rin ng gobyerno ang mababang turn-out sa inokulasyon ng booster shots kahit mataas naman ang percentage ng vaccine willingness na nasa 80%.
Bilang rekomendasyon ay sinabi ni Galvez na dapat ay mabigyan ng incentives ang mga tao na kukuha ng booster shots at dapat ay i-require na ito sa pagpasok sa mga establishimyento at sa pag-travel.
