Inaprubahan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang solicited proposal para sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagkakahalaga ng P170.6 bilyon.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, layunin ng proyekto na gawing modernisado ang NAIA na pinangungunahan ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) ang naturang proyekto.
Sinabi naman ni DOTr Secretary Jaime Bautista, malalaman sa katapusan ng taon kung sino ang nagwaging private bidder para sa rehabilitasyon ng paliparan.
Sa huli, umaasa si Bautista na magkaroon umano ng pirmahan sa pagitan ng pamahalaan at ng mananalong bidder sa kalagitnaan ng 2024.
