Iginiit ng isang ekonomista na minadali ang pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund (MIF) para maiulat ito ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa darating na State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.
Sa panayam ng Brigada kay Prof. Solita “Winnie” Monsod isang Ekonomista, sinabi nito na sinuring mabuti ng mga kasamahan niya at makailang beses na nagbigay ng babala kaugnay sa pagsasabatas ng noo’y isang Bill pa lamang.
Mariin inihayag din ni Monsod na sigurado siyang pupulitikahin ang batas na ito at sa huli ang mga magsasaka ang mawawalan ng pondo na dapat sana’y idiniretso na lamang sa kanila.
Nabatid na marami ang magpapatakbo sa MIF, isa na dito ang presidente ng Landbank at President ng DBP habang una namang itininang ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang mga aligasyon tungkol sa kanya kaugnay sa isyu ng pagpapatakbo sa Maharlika Investment Fund.
