Necrological service para kay dating Sen. Biazon, Idaraos sa Senado

Magdaraos ng necrological service ang Senado para kay dating Sen. Rodolfo Biazon sa June 19.

Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, alas-10:00 ng umaga sa Lunes ay dadalhin sa Senado ang labi ni Biazon para sa huling pagpupugay ng mga dati at kasalukuyang senador na kanyang naka trabaho.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Naging senador si Biazon mula 1995 hanggang 1995 at muling nahalal sa senador noong 1998 hanggang 2010.

Patuloy naman ang pagpaparating ng pakikiramay at tribute ng mga senador sa pagpanaw ni Biazon.

Sabi ni Sen. Chiz Escudero, marangal na nagsilbi sa bayan si Biazon na kanyang naka trabaho sa senado.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Inalala naman ni Sen. Risa Hontiveros ang pagtindig ni Biazon sa national issue at usapin sa West Philippine Sea kahit wala na siya sa public service.

Samantala, inilagay na sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa Senado bilang tanda ng pagluluksa ng kapulungan.//CA