2 kadete ng PNPA, sinibak, 43 iba pa sinuspinde

Dalawang kadete ng Philippine National Police Academy ang dinismiss sa kanilang cadetship habang 43 iba pa ang sinuspinde dahil sa iba’t ibang paglabag.

Nilagdaan ni PNPA director Maj. Gen. Eric Noble ang dismissal order ng dalawang kadete kahapon.

Hindi ibinunyag ni Noble ang pangalan ng mga kadete  at ang mga  dahilan sa likod ng kanyang desisyon ngunit sinabi niyang bahagi ito ng kanilang pagsisikap na matiyak ang disiplina at professionalism sa loob ng akademya.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Samantala, ang 13 mga kadete na sinuspinde ay ibinalik sa next lower class dahil sa academic challenges.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Tatlompu naman sa mga ito ang sinuspinde dahil sa non-academic and tactics deficiencies.

Ayon sa PNPA, malinaw sa kanilang mensahe na hindi nila tinotolerate o kinukunsinte ang sinumang mapapatunayang lumalabag sa kanilang mga panuntunan.//CA