NEA, humingi ng 6 na buwan para sa transition phase ng APEC at ALECO – Albay Gov. Rosal

LEGAZPI CITY – Anim na buwan ang hinihinging peryodo ng National Electrification Administration (NEA) para sa transition phase mula sa Albay Power and Energy Corporation (APEC) patungo sa Albay Electric Cooperative (ALECO).

Ito ang inihayag ni Albay Governor Noel Rosal sa isinagawang press conference kahapon sa lunsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay.

Ayon sa gobernador, nakapaloob sa pagproseso ng anim na buwang transition phase ng nabanggit na administrasyon ay ang pagpaplano ng koleksiyon, rehabilitasyon at iba pang mga kakailanganin.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Hindi umano madali ang pagpoproseso nito dahil marami ang dapat na asikasuhin, ngunit ang mahalaga ay nakikita nila kung ano ang kinakaharap na sitwasyon ng mga Albayano.

Dagdag pa nito, kinakailangan din nilang bumuo ng pwersa para sa maintenance, nararapat ding maisailalim sa rehabilitation ang ALECO, at ang sunod ay ang template ng koleksyon dahil hindi ito maaaring gawin nang manu-mano.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Samantala, sinabi rin ni Rosal na ang NEA na ang bahala pagdating sa pagtake-over nito dahil sa tingin niya naman ay gagamitin ng administrasyon ang kanilang buong otoridad lalung-lalo na kapag nakitang lumalala o lumulobo na ang presyo ng singil.