Magsasaka, nakuhaan ng P680,000 na halaga ng umano’y shabu

KORONADAL CITY — ARESTADO sa buy-bust operation ng mga otoridad ang isang lalaki, Lunes ng hapon sa Purok Mabuhay, Barangay Mabini, Koronadal City.

Kinilala ng Koronadal City PNP ang nahuling suspek na si John Vergara Velarde alias “John”, 50 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ito ay hinuli matapos makipag-transaksyon umano sa mga otoridad para sa isang sachet ng pinaniniwalaang shabu, na nagkakahala ng P1,000.

Maliban dito narekober pa umano sa pag-iingat ng suspek ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 100 grams at may standard drugs price na umabot sa P680,000.00.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sa ngayon ito ay nananatili sa detention facility ng PDEA Region 12 at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.