NDRRMC, nanawagan na dapat walang pulitika sa mga relief operations

Nilinaw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na hindi naman pinagbabawalan ang mga pulitikong magbigay ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Agaton.

Sinabi ni NDRRMC Spokesman Mark Timbal na ang mahalaga ay makarating ang tulong sa mga nasalanta nang wala sanang bahid o mukha ng pulitika.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ayon kay Timbal, bukas naman ang pagbibigay ng tulong sa mga binagyong kababayan pero dapat aniya ay coodinated sa mga local government units para maiwasang malagay sa panganib ang mga evacuees at mga nagbibigay ng tulong dahil sa COVID-19 pandemic.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Pinaalalahanan din ni Timbal ang mga kandidatong magpapadala o magdadala ng tulong na huwag kakalimutan ang mga panuntunan ng Commission on Elections.

Ipinaalala din ng opisyal sa mga supporters ng mga kandidato na magbibigay ng tulong na makipag-ugnayan sa mga kinauukulan. (LEO NAVARRO – MALICDEM)
#