China—Iniulat ng isang local media sa bansang China kamakailan ang hindi pangkaraniwang insidente ng pagkakatuklaw ng ahas sa isang padre de pamilya sa naturang bansa.
Ang ikinagulat kase ng marami, isang ahas na mahigit isang taon nang nakababad loob ng bote ng alak matapos gawing kasangkapan sa “snake wine” ang tumuklaw sa biktima.
Ayon sa ulat, bumili umano ng tatlong bote ng “snake wine” ang lalaki upang ipainom at gawing gamot sakanyang anak na may malubhang karamdaman.
May paniniwala kase ang mga Tsino na nakakagamot ng sakit ang ‘snake wine’ kung kaya’t bahagi ito ng “Traditional Chinese Medicine’.
Makalipas ang isang taon na pagkaka ferment nito, saka lamang binuksan ang alak upang inumin ngunit laking gulat ng biktima na buhay pa ang makamandag na ahas na nasa loob ng bote at tinuklaw pa siya nito.
Ayon sa mga otoridad, posibleng naka survive ang naturang hayop dahil hindi gaanong mahigpit ang selyo ng bote, daan upang may makapasok pa ditong oxygen.
Agad naman na naisugod ang biktima sa pagamutan at maswerteng naagapan.
Dahil sa insidente, isinusulong na ngayon ng animal rights group sa China ang pagbabawal sa paggawa ng ‘snake wine’ dahil bukod sa ito’y maituturing na animal cruelty, wala rin umanong scientific evidences na magpapatunay na mabisa ito sa pagpapagaling ng mga sakit.### JUMEL DELA ROSA, BNFM BICOL