Redefinition ng ‘fully-vaxxed’ lalarga na – DOH

Inumpisahan na ng Department of Health ang mga hakbang para sa isasagawang pagbabago ng depinisyon ng ‘fully-vaccinated’ kasabay ng mga panawagan ng vaccine expert panel na palakasin pa ang vaccination drive partikular ang booster shots.

Sa ngayon kasi ay mababa pa rin umano ang turn-out ng mga nagpapa-booster shot ng bakunan kontra Covid-19.

Mula sa 44 million individuals na eligible nang magpa-booster – tanging 12.3 million pa lang ang nakatatanggap ng booster shots.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinakailangan malaman ng publiko ang kahalagahan ng pagpapa-booster para malabanan ang nakahahawang virus.

Samantala, inirekumenda na ng DoH sa Food and Drug Administration ang pagkakaloob ng emergency use authotization ng Covid-19 vaccines para gamitin bilang boosters sa mga edad 12-17; pati na rin ang 4th dose.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Ayon kay Vergeire, pinaaamiyendahan na nila ang dosage nito at hinihintay na lamang ang pormal na bersyon mula sa FDA.

Sa oras na maaprubahan na ito at mayroon nang guidelines, papayagan na ang 4th dose, habang magpapa-booster na rin ang mga edad 12-17 sa bansa.
#