NCRPO ‘all systems go’ na ang security preparation sa unang SONA ni PBBM

All system go na ang paghahanda ng seguridad para sa unang State of the Nation Address (Sona) ni President Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), tiniyak ng lahat ng kinauukulang government at non-government agencies na iaalok ang kanilang resources, kasama ang inter-agency deployment, para maging patagumpay ang SONA sa July 25.

Sinabi naman ni Police Major General Felipe Natividad, na ang deployment plans ng subtask groups ay magtitiyak na walang “foreseeable security glitch” na mangyayari.

Kabilang sa mga security plans na ipapatupad ay ang gun ban at iba pang protective initiatives; intensified clearing operations para tanggalin ang halat ng road obstructions; at tiyakin na passable ang mga alternative routes para sa public transportation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *