6-time PM Wickremesinghe, nahalal bilang Sri Lanka president

Nahalal ng parliament si six-time Prime Minister Ranil Wickremesinghe bilang bagong pangulo ng crisis-wracked Sri Lanka.

Batay sa official results, nakakuha si Wickremesinghe ng 134 na boto sa three-cornered parliamentary vote, habang ang kanyang main opponent na si Dullas Alahapperuma ay nakakuha lang ng 82, habang tatlo lang para kay leftist Anura Dissanayake .

Sa kanyang maiksing acceptance speech sa parliament, binigyang diin nito na tapos na ang divisions sa pagitan ng kanyang mga nakatunggalo, at inimbitahan si Alahapperuma na makiisa sa kanya at magtulungan para mailabas mula sa krisis na kinahaharap ang bansa.

Bilang acting president, pinalawig ni Wickremesinghe ang state of emergency para bigyan ang mga police at security forces ng sweeping powers.

Noong nakaraang linggo, inatasan ang tropa na palabasin ang mga raliyesta mula sa mga gusali ng gobyerno na kanilang inoukupahan.