Nagtala ang Metro Manila ng may pinakamaraming bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 mula sa lahat ng rehiyon o probinsya sa buong bansa, habang ang Quezon City ang nanguna naman sa listahan para sa lahat ng mga lungsod at munisipalidad.
Batay sa listahan na ibinahagi ng OCTA Research, nagtala ang Quezon City ng 27 mga bagong kaso, sinundan ng Puerto Princesa, Bacolod, at Zamboanga City na mayroong tig 12 bagong kaso.
Sinabi naman ni OCTA Research fellow Guido David na ang Navotas City, Taguig City, at General Santos City ay mayroong tig walong kaso.

Kaugnay nito, ang lungsod ng Manila, ay mayroong pitong bagong kaso, habang tig anim sa Legazpi City at Las Piñas City.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na sa kasalukuyan wala silang clustering ng COVID-19 cases sa alinmang bahagi ng bansa na magsasaad na may presensya ng Omicron variant. //MHEL PACIA-TRINIDAD