Pinuri ng isang opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Maj. Gen. Romeo Brawner Jr. bilang bagong chief ng Philippine Army chief.
Ayon kay Zia Alonto-Adiong, deputy speaker ng Bangsamoro parliament, nagdala si Brawner sa opisina ng mga values ng dialogue at inclusivity.
Mababatid na Brawner ay itinalaga sa pwesto bilang kapalit ni Lt. Gen. Andres Centino na pinangalanan namang bagong chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Pag-alala ni Adiong, nagkatrabaho umano sila ni Brawner noong Marawi siege, kung saan tumulong umano ito sa kanilang humanitarian responses sa pamamagitan ng pakikinig sa mga concerns at pangangailangan ng mga tao.

Maliban sa pagiging commander ng Army’s 4th Infantry Division (4ID) na nakabase sa Cagayan de Oro City, ang miyembro ng Philippine Military Academy “Makatao” Class of 1989, ay nagsilbi ring tagapagsalita ng Army’s Joint Task Force Marawi na nakatutok sa Islamic State (IS)-linked terrorists.
Matapos ang Marawi siege, naitalaga si Brawner sa Army’s 103rd Infantry Brigade, na tumutok sa pagtugis sa mga remnants ng IS terrorists sa Lanao del Sur. //MHEL PACIA-TRINIDAD