Naabot na ng National Capital Region (NCR) ang peak o pinakamataas na kaso ng covid-19.
Ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, bumaba na ang trend ng mga bagong kaso ng sakit sa Metro Manila sa nakalipas na linggo.
Batay sa pag-aaral ng grupo, nakapagtala ang NCR ng average na 5,136 na new covid-19 cases mula September 13 hanggang September 19.
Mas mababa ito ng 13 percent sa seven-day average na 5,916 cases mula September 6 hanggang September 12.
Bumaba rin ang reproduction number o bilis ng hawaan ng covid-19 sa rehiyon sa 1.14 mula sa 1.37 na naitala noong nakaraang lingo.

Ayon kay Dr. David, kung pagbabatayan ang mga datos ay naabot na ang peak ng covid-19 cases sa NCR noong September 11 na nakapagtala ng 9,000 na kaso sa loob lamang ng isang araw.
Paglilinaw naman ni David na posible pa ring magbago ang trend lalo na kung magiging pasaway ang mga tao at maraming hindi sumusunod sa health protocols.