Lolo, patay matapos mahulog umano sa puno ng niyog

Patay na nang matagpuan ang isang 67 anyos na lalaki sa Purok Palawan Cherry, Bgy. Sicsican ,lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon kay kgwd. Oscar Jocson Jr. ng Bgy. Sicsican, bandang alas 10:00 kagabi nang makatangkap ng tawag mula sa kanilang barangay na may isang lalaking natagpuang patay.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Kinilala ito na si Benjamin Liliza ,  mangbubuko at residente sa lugar.

Ayon sa mga residente,  dumaan kahapon September 19, 2021 ang biktima bandang ala 9:00 ng umaga para umakyat sa puno ng niyog ngunit natagpuan na lamang ito kagabi bandang alas 10:00 na wala nang buhay.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Malaki ang posibilidad na nahulog ito dahil na rin nakatali ang katawan nito mula sa mga buko na bumagsak.