Nag-improve na ang COVID-19 situation sa National Capital Region (NCR) bilang moderate risk area, mula sa pagiging high risk area.
Ayon kay Professor Guido David ng OCTA Research Group, ito ay dahil bumaba na sa 1,100 ang seven-day average ng bagong COVID-19 cases sa Metro Manila at mayroong positivity rate na 10 percent.
Aniya, ang reproduction rate sa rehiyon ay nasa 0.57, at kasama ang limang lingsod sa Metro Manila sa top 10 cities pagdating sa bilang ng cases at lima rin ang nasa labas ng NCR Plus bubble.
Ang mga local government units (LGUs) na nasa top 10 na matatagpuan sa labas ng NCR Plus ay ang Davao City, Puerto Princesa City, Bacolod City, Iloilo City, at Cagayan de Oro City.
Dagdag ni David, maganda na ang mga naoobserbahang progreso sa NCR at inaasahan nila ang pagluluwag ng restrictions pero di nila inirerekumenda na agad luwagan ang quarantine status ng sabay-sabay dahil pwede itong maging dahilan ng reversal ng trend at maging banta sa pandemic management.
Sa kabila ng pagiging moderate risk area ng Metro Manila, sinabi ni Guido na dapat pa ring sundin ang pagbabakuna sa 50 percent ng NCR, mga lungsod ng Tuguegarao, Santiago, Baguio pati sa Cainta, Cebu at Imus na naunang inirekumenda ng OCTA dahil bulnerable ang mga lugar na ito sa posibleng pagsipa ng cases.
Mababatid na nakasailalim sa general community quarantine with heightened restrictions ang NCR hanggang sa katapusan ng Mayo kung saan pinapayagan na ang essential trips at bahagyang pagbubukas ng non-essential services at ilang negosyo kabilang na ang scaled down tourism activities.
