31 mangingisdang Pinoy, na-rescue sa West Philippine Sea

Nasagip ang 31 mga mangingisdang Pinoy malapit sa Nares Bank sa West Philippine Sea matapos na masira ang kanilang bangka nitong Linggo. 

Sa isang press release, sinabi ng Naval Forces West na nagpadala sila ng rescue matapos makatanggap ng radio signal mula sa isang Pinoy fishing boat na FB Espanloa tungkol sa FB Pauline 2. 

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Ayon sa NFW, nagkaroon ng “hull derangement”ang FB Pauline 2 sa bisinidad ng Nares Bank, mayroon din umanong butas ang bangka sa freeboard.

Matapos matulungan ang mga mangingisda ng FB Espanola, sinundo na ang mga ito ng BRP Emilio Jacinto (PS35).

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Doon na sumalang sa medical check-up ang mga ito at binigyan ng pagkain at accommodation. 

Dinala ang mga mangingisda sa San Jose, Occidental Mindoro.