Hindi pa tapos ang lahat para sa Ateneo de Manila University, matapos na ma-equalize ng Blue Eagles ang best-of-three finals series laban sa University of the Philippines, 69-66, sa Game 2 ng UAAP Season 84 Finals sa Mall of Asia Arena.
Mababatid na nakuha ng UP ang lead sa 57-56, dahil sa triple ni Carl Tamayo, pro natapatan ito ng Ateneo sa 61 sa nalalabing 2:26 ng fourth quarter.

Ang shots mula kay Ange Kouame at SJ Belangel ang nagbigay sa Ateneo ng sapat na breathing room bago putulin ni Zavier Lucero ang lead sa dalawa sa 1:46 mark.
Nagpatuloy ang hatakan at tulakan ng dalawang team hanggang sa ang free throws ni Kouame at shot ni Gian Mamuyac ang nagtulak sa Ateneo na makalamang ng anim o 69-63.
Si Ricci Rivero ang gumawa ng last minute attempt para maisalba ang laro, dahilan para magbigay ng shot sa 36.2 seconds, pero ang blue-and-white squad ang nakakuha ng panalo.