NBI, sinisilip kung sangkot sa ilegal na POGO ang sinalakay na resort sa Puerto Galera

Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation ang impormasyon na may ilegal na POGO umano sa isang resort sa Puerto Galera.

Ayon sa NBI Memaropa, taong 2019 nang buksan ang resort at napag-alaman din na eksklusibo ito sa mga dayuhan na karamihan ay mula sa Mainland China.

Read More:  ATOM seeks deeper probe into alleged special treatment of Romualdez

Sinabi ng ahensya na isang dayuhan din ang may-ari ang naturang resort.

Read More:  Marcos warns LGU officials against corruption in ₱8.6-B disaster funds

Sa ngayon ay inaalam pa ng NBI kung may kaugnayan ito sa ilegal na POGO

Nanindigan naman si Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan na walang POGO sa kanilang lugar.