Kris Aquino, nilinaw na hindi sila nagkabalikan ni Mel Sarmiento

Tila matapang ang binitiwang salita ni Kris Aquino laban sa dating fiancé na si Interior Secretary Mel Sarmiento, kasabay ng paglilinaw na hindi sila nagkabalikan.

Ayon kay Kris Aquino, hinding-hindi sila magkakabalikan sa taong hindi na niya pinagkakatiwalaan at ngayong alam niyang hindi siya minahal.

Patutsada pa nito, ginamit lang siya ni Sarmiento at gumawa rin umano ng mga kuwento si Mel para palabasin na malapit ito sa kuya niyang si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Dagdag pa ni Kris, naging malinaw sa kaniya ang lahat nang makausap niya si Mel sa FaceTime audio ilang araw lang ang nakararaan.

Giit ng TV host/actress, bigo ang dating kasintahan na aminin na nasaktan rin niya ang anak na si Bimby, at hindi tiningnan kung papaanu hinaharap ng kanyang anak ang mga nangyari.

Maliban dito, iniwasan din ni Mel na kausapin ang kaniyang ate na nais sanang mamagitan sa naging problema nila.