Umiskor si Jimmy Butler ng career-playoff-high 45 points, dahilan para malampaso ng Miami Heat ang visiting Atlanta Hawks sa 115-105.
Dahil dito, nakuha ng Miami ang 2-0 lead sa Eastern Conference first-round series.
Sa gitna nito, ang top-seeded Miami ay nagposte ng 16-point lead sa fourth quarter bago makabawi ang eighth-seeded Atlanta sa tulong ng playoff career-best 29 points ni Bogdan Bogdanovic, kung saan 19 dito ay naitala sa final period.

Kaugnay nito, komonekta si Bogdanovic ng 3-pointer sa natitirang 3:15 na naghatak sa Hawks sa 104-101, pero agad na nag-take over si Butler took over.