Nationwide SSS registration Day ngayong araw gaganapin sa dalawang venue

CAMARINES NORTE – Isasagawa na ngayong araw ang nationwide registration Caravan ng Social Security System at dito sa Camarines Norte, gagawin ito sa dalawang venue.

Mula alas 10 ng umaga ay magbubukas ang registration sa SM City Daet hanggang alas 5 ng hapon habang ang isa pang venue ay sa San Lorenzo Ruiz National High School sa Barangay Mampurog, San Lorenzo Ruiz mula alas 9 naman ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Panawagan ng SSS Daet Branch, “be future ready” kaya hinihimok ang mga 18 anyos pataas na wala pang SS number na  magtungo lang sa mga nabanggit na venue para magparehistro. Magdala lang ng valid ID at Birth Certificate. Layon ng aktibidad na ito na magbigay ng convenient registration opportunities para sa mga bagong miyembro.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

Mababatid na regular ang mga ginagawang inisyatibo ng SSS para lumaki pa ang membership base nito at masiguro ang mas malawak na social security coverage para sa mga Pilipino. Inaasahang mapapadali ang registration process sa Nationwide Registration Day at makahikayat ng mas marami na mag- secure ng kanilang social security benefits.