CAMARINES NORTE – Isasagawa simula ngayong araw ng Commission on Elections ang Election Registration Board (ERB) hearing para i- update ang listahan ng registered voters.
Dito ay tatanggalin sa listahan ang mga yumao na batay sa record ng mga Local Civil Registrar, mga deactivated o dalawang regular na eleksyon na hindi nakaboto at iba pang dahilan.
Noong Aril 2024 ERB, nasa 377, 459 ang total number of registered voters sa Camarines Norte kung saan mas marami ang mga babae na nasa 193, 383 kumpara sa mga lalaki na nasa 184, 076. Nasa 28, 052 ang tinanggal sa listahan ng registered voters.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na magsasagawa ang Comelec ng ERB hearing bilang paghahanda sa May 2025 national and local elections.
Kaugnay nito suspendido ang nagpapatuloy na voter registration simula ngayong araw July 15 hanggang 19 ng taong kasalukuyan para bigyang daan ang ERB hearing. Magre- resume ang voter registration sa Lunes, July 22.
