Nationwide Operation Tuli ng Brigada Group of Companies – dinagsa ng mga binatilyo sa iba’t ibang Brigada NewsFM Stations sa buong bansa

Aabot sa daan-daang mga binata ang naki-isa sa Operation Tuli sa buong bansa ng Brigada Mass Media Corporation at ng Brigada Group of Companies.

Ikinasa ang libreng circumcision sa iba’t ibang bahagi ng bansa, hatid ng mga Brigada NewsFM Stations nationwide.

Maliban sa libreng tuli – mayroon ding inialok na libreng gupit sa ilang mga areas.

Hindi naman nagpahuli ang ilang mga ‘may edad na’ at hindi sila nahiyang lumapit sa mga tuli areas na inilatag ng Brigada.

Nakatanggap naman ang mga binatilyo ng package mula sa YummyVit na makatutuwang nila para sa kanilang malusog na pangangatawan.

Layunin ng Brigada Group, Brigada 1Tahanan, at ng YummyVit na matulungan ang mga kabataan na maging healthy, nang sa gayon ay matuldukan na ang ‘silent pandemic’ na itinuturing – ang stunting, ‘o ‘yung pagkabansot.

Labis naman ang pasasalamat ng Brigada Group sa lahat ng mga volunteers at organizations na nakiisa sa Operation Tuli ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *