Lalaki, nahaharap sa patong-patong na kaso matapos mag-amok sa Mulanay, Quezon

Arestado ang isang lalaki matapos itong mag-amok at magpaputok ng baril sa Barangay Pakiing, Mulanay, Quezon nitong Huwebes, Hunyo 27.

Ayon sa report, nagtalo umano ang suspek at ang kanyang babaeng biyenan kung saan doon na nito pinaputok ang kanyang improvised shotgun at sinuntok ang biktima sa mukha.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samantala, muli pang pinaputok ng suspek ang nasabing armas na nagdulot ng takot sa mga residente sa lugar.

Sa pagresponde ng mga awtoridad, sinira ng suspek ang improvised shotgun sa pamamagitan ng paghampas nito sa kalsada.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions Act, Illegal Discharge of Firearms, Alarms and Scandal, Physical Injury at Illegal Possession of Bladed, Pointed and Blunt Weapons.