National highway ng Bgy. Inagawan-Sub sa Puerto Princesa hindi pasok para baguhin muli – DPWH

Hindi kwalipikado para baguhin muli ang bahagi ng National Highway ng Bgy. Inagawan Sub, Puerto Princesa City.

Matatandaan agad na pinuntahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lugar upang inspeksyunin kung kinakailangan maisama ito sa rehabilitation at Reconstruction dahil sa sunod –sunod na aksidente na nangyari.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ayon kay Engr. Arthur Torillo ng 3rd District –DPWH, sa kanilang pagsusuri hindi ganun kataas ang kalsada  kaya madalas ang aksidente sa lugar kundi ang nakikita nilang problema ay dahil sa bilis ng mga sasakyan na dumadaan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Lalagyan ng tanggapan ng traffic sign gaya ng speed limit, 40Kph. at slow down upang maiwasan muli ang ganitong klaseng aksidente.

Nagbigay din ito ng paalala sa lahat ng mga nagmamaneho ng sasakyan na huwag kakalimutan ang mga kahulugan at simbolo ng mga linya sa kalsada.