Pag-raid ng CIDG sa isang bodega ng ukay-ukay kwestyonable sa ilang konsehal

Palaisipan sa ilang mga konsehal sa lungsod ng Puerto Princesa ang ginawang pag-raid ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Palawan noong nakaraang Miyerkules, ika-25 ng Agosto 2021 sa isang bodega ng ukay-ukay sa Purok Mapagmahal Bgy. San Jose Puerto Princesa City.

Ayon kay City Councilor Herbert Dilig, kwestyunable ang ginawang raid ng CIDG dahil base umano sa sinasaad ng Republic Act No. 4653 na tanging Bureau of Customs at mga deputized agents nito ang pwedeng mag-operate.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Binigyang diin ng konsehal, binabanggit sa batas na bawal ang importation pero dito na sa Pilipinas nakuha ang ukay. At paano umano mapapatunayan na ang mga nakumpiska ay mga imported na produkto, kaya masasabing hindi paglabag ito sa Republic Act No. 4653 ang nagawa ng may-ari ng bodega.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon naman kay Konsehal Elgin Damasco, wala umanong batas na nagsasabi na bawal ang pagbebenta ng mga use clothing sa bansa at kinukuha lamang ng mga negosyante ang kanilang mga produkto sa kamaynilaan.